In cart Not available Out of stock

Words and music by; Jos Garcia

Lyrics

PAG-IBIG BA ITO?
(Words and music by Jos Garcia)

1.
Naguguluhan di maintindihan
Ano nga kaya? Ang binubulong ng puso
at isipan ko
Umiibig ba ako? Kailanagn kong malaman kung bakit ganito.

2.
Ang nadarama sa twing kasama ka
Bumibilis itong pintig ng puso
Sa bawat araw na dumadaan
Halos di makatulog kaiisip sa'yo.

Chorus;
Ano kaya ito?
Nais kong malaman
Ang sinisigaw ng puso kong ito
Ikaw na nga kaya?
Ang hinahanap
Na makakasuyo ko
Pag-ibig ba ito?
At kung pag-ibig man
Sana ay mahalin mo din ako

3.
Sana ay ikaw na nga ang minimithi ng puso
Dahil ngayon ko lang naramdaman
Ang tunay na pag-mamahal
Patutunayan ko sayo na ikaw ang sagot
Sa puso kong nagtatanong

Pre-Chorus;
Ano kaya ito?
Damhin mo at pakinggan
Ang sinisigaw ng puso kong ito
Ikaw na nga kaya?
Ang habang buhay
Na makakapiling ko
Pag-ibig ba ito?
At kung pag-ibig man
Ako ay magiging tapat sayo

Adlib;

Ano kaya ito?
Nais kong malaman
Ang sinisigaw ng puso kong ito
Pag-ibig ba ito?

At kung pag-ibig man
Ako ay magiging tapat
Narito ang puso ko handang ialay sa'yo.